Speech transcript of Trade and Industry Secretary Cristina A. Roque

LAB for All San Juan
26 August 2025 | FilOil Arena

First, I would like to greet Mayor Francis Zamora, First DOH Secretary Ted Herbosa, PAO Chief Public Attorney Persida-Acosta, Congresswoman Florabel Yatco, of course, Nanay Pineda of Pampanga, and to everybody here, good morning sa inyong lahat.

To our Undersecretaries, Assistant Secretaries, and all the other public servants of the national and local government, including our partners and friends from the private sector, retail professionals, attorneys, and of course, ang ating masisipas na lingkod-bayan dito sa San Juan, Mayor Francis Zamora, magandang umanga sa inyong lahat.

Maraming-maraming salamat po sa inyo at malaking bahagi kayo upang maging successful ang programa natin ngayong araw.

Sa ating mga kababayan, ang LAB for All ay isang patunay nang pagkakaisa ng ating gobyerno upang magbigay ng serbisyo na tunay nararamdaman at nakikita ng ating mga komunidad.

Through the LAB for All program, nais naming ilapit sa inyo ang mga serbisyo ng gobyerno tulad ng financial assistance, medical assistance, government services, ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Kaisa sa sa programang ito, ang Department of Trade and Industry o DTI na maaasahan po ninyo na patuloy kaming nagsusulong ng mga programa para palakasin pa ang industry sector at ang health sector.

Kami sa DTI ay may mandado from our President Ferdinand Marcos Jr., na siguraduhin na tama ang presyo ng mga medical supplies at iba pang produkto ay abot kaya at high quality para sa ating mga kababayan. Kami rin po ay regular na nag-momonitor ng basic necessities at prime commodities para patuloy na magprotektahan ang ating mga consumer.

In coordination with the City Government of San Juan, tayo rin rin magbibigay ng certificates para sa maliit na negosyante, Barangay Micro Business Enterprises, para sa mga benepisyo katulad ng income tax exemption.

Kasama rin dito ang SB Corporation para sa mga pautang na kailangan ng ating mga negosyante at ang business name registration para mabigyan ng certification ang inyong mga negosyo.

Gaya ng lagi kong sinasabi sa bawat produkto binibili natin mula sa ating maliit na negosyante may pamilyang natutulungan at may komunidad na tayong inaangat. Kaya’t ang LAB for All ay hindi lamang para sa kalusugan ng ating katawan kundi para rin sa kalusugan ng ating ekonomiya at kinabukasan. ♦

Date of Release: 26 August 2025